Thursday, September 1, 2011

Virtual Ethnography 101: (Pabrika ng Imahe) Isang Etnograpiya ng Produksyon sa Telebisyon para sa Ika-150 Kaarawan ni Dr. Rizal

As part of the weekly exercises of my graduate students in Anthropology 225: Philippine Society and Culture, I wanted my students to explore places and write ethnography using the method of participation-observation.

In celebration of the sesquicentennial (150th) birth anniversary of Dr. Jose Rizal, the Philippine's national hero, I asked my graduate students to visit museums that exhibit memorabilia for our dear renaissance Filipino man Jose Rizal, attend local and international academic symposium on The First World-Class Filipino Jose Rizal, travel to his ancestral house in Laguna, or pay respect to one of Asia's great intellectuals enshrined at Luneta Park, and so on...

I am posting in my blog with the writer's consent selected ethnography penned creatively by my students to contribute to the emerging sub-discipline of anthropology called 'Virtual Ethnography'.

Basically, virtually ethnography is also referred to as Webnography. We cannot deny the fact that with increasing use of technology and the Internet, there is now a demand for online spaces on various ethnographic accounts.


Etnograpiya ni Mary June Fernandez Conti

“Strongly motivated human groups, symbolically powerful events and anniversary or commemoration dates, haunting remains and places – these galvanize struggles to shape and project into the public cultural domain ways of remembering that capture an essential truth.” (Steve J. Stern, “Battling for Hearts and Minds,” 2006)

Ang istasyong People’s Television Network o PTV-4, at ako bilang kalahok sa proseso ng paglikha ng content para sa programa, ang magsisilbing field sites para sa etnograpiyang ito. Ilalarawan ko ang mga pamamamaraan sa produksyon, ang telebisyon bilang pampublikong espasyo at mga taglay na limitasyon, at ang mga konteksto sa network na maiuugnay kay Rizal.

Sa Mata ng Manunulat

Halos tatlong taon na akong manunulat sa istasyon ng gobyerno. Subalit kailan lang nagkaroon ng serye ng feature segments para sa pambansang bayani. Umaga noon, nang lapitan kami ng boss at sabihang mula Lunes hanggang Biyernes ay magpapalabas kami ng mga kuwento sa buhay ni Rizal na may iba’t ibang paksa.

Mabilis ang naging pag-uusap. Mga naging biyahe ni Rizal para sa Lunes, love life para sa Martes, pagkabata sa Miyerkules, mga monumento sa Huwebes at mga likha niya sa Biyernes. Tatlo lamang kaming scriptwriters sa departamento. Dating gawi, magiging instant ang paghahatid namin ng mga naturang kuwento. Ika nga ng nagbitiw naming kasamahan noon, “umorder na naman ng pansit at siopao.”

Naisip ko nang balikan ang mga sanaysay at tala sa asignaturang P.I. 100. Naitabi ko rin ang batayang-aklat kung saan detalyado ang pagbisita ni Rizal sa mga bansang Europeo. Subalit kapwa kaming nabagabag ni Ate Besi, isang prodyuser, kung anong video ang gagamitin. Sasapat ba ang mga retrato? Mayroon kaya sa You Tube at Google Images? Mukhang malabo kasi sa archives ng istasyon.

Huwebes na noon at kailangang ma-edit kinabukasan ang ipalalabas ng Lunes. Mabuti na lang at nakakita ng lumang kopya ng kauna-unahang film adaptation ng Noli Me Tangere si Ate Regine, isa ko pang prodyuser. Nakita ko ang oportunidad na makagawa ng magandang pambungad sa mga manonood, na hindi lahat ay nakababatid sa produksyong iyon. Isa rin pala akong “little Rizal” na may kapangyarihan din ng pluma. Feature nga lang imbes na nobela. At ito ang kinalabasang audio components:

Marami sa atin ang nakabasa na ng progresibong nobelang Noli Me Tangere. Pero maraming hindi pa nakapanood ng film adaptation nito noong 1961. Mapalad tayong magkaroon ng restored copy nito.

Excerpt: Tape 1 (00:21:40.00 – 00:22:02)
IN: Anong ginawa mo sa papa ko?
OUT: (umalis makaraang mabatid na si P. Damaso ang nasa likod nito)

Si Eduardo del Mar ang gumanap na Crisostomo Ibarra katambal si Edita Vital bilang Maria Clara. Ang mga papel nina Padre Salvi at Damaso ay ginampanan nina Johnny Monteiro at Oscar Keesee. Naroon din sina Ruben Rustia, Max Alvarado, at Leopoldo Salcedo bilang Elias. Sa pelikula ipinakilala ang aktres na si Lina Carińo bilang Sisa.

Excerpt 00:27:26 (Sisa at asawa niyang naghahapunan)

Sa direksyon ng Pambansang Alagad ng Sining na si Gerardo de Leon, naipakita sa pelikula ang naging buhay ng mga Pilipino sa ilalim ng mga Kastila.

Excerpt: Tape 1 (00:25:32 – 00:26:20)
(pagnanakaw daw ni Crispin at pagpaparusa)

Isa sa mga paksa ay ang sistema ng edukasyon. Sa eksenang ito, kausap ni Ibarra ang isang guro ukol sa kanyang kahabag-habag na kalagayan sa pagtuturo at sa mga repormang kay hirap tuparin.

Excerpt: Tape 1 (00:34:40 – 35:29)
IN: Sa listahan ko’y…
OUT: sa ilalim ng kumbento.

Pinangarap ni Ibarra na makapagtayo ng paaralan sa paniniwalang edukasyon ang susi sa paglaya ng bayan. Sa modernong panahon, nangungusap pa rin sa atin ang mga winika ni Dr. Jose Rizal sa Noli Me Tangere. Si Ibarra ay isang Pilipinong nagbalikbayan makaraang mag-aral sa Europa. Sa panahon natin ngayon, marami mang nangangarap mangibang-bayan upang mapaunlad ang sarili, iilan ang nakababalik at nagnanais mag-ambag sa bansang kinagisnan.

Sa pagsapit ng ika-isandaan at limampung kaarawan ng pambansang bayani, nawa’y hindi lang siya ilagay sa pedestal at ituring na ‘di-pangkaraniwan. Bagkus, isang halimbawa ng pagiging tunay na Pilipino na maaaring pamarisan sa bawat araw ng ating buhay.

Sa loob ng linggong ipinalabas ang serye ng mga kuwento, bumuhos na ang magagandang materyal. Lubos na nakatulong ang National Library para lapatan ng biswal ang mga naisulat. Isinagawa pa rin ang routine: Nag-shoot sa labas, nagkaroon ng mga panayam, nagsulat ng iskrip, voiceover, at nag-edit.

Bukod sa pagsusulat, ako na rin ang naglalapat ng tinig. Kung hindi ako palagay sa ilang salitang ginamit, pinahihintulutan akong baguhin ito. Itinampok ng isa sa amin ang “Relevant Rizal” exhibit sa Vargas Museum na pinangunahan ng Canvas art group. Binubuo raw ito ng pitumpung paintings ng iba’t ibang imahe ni Rizal sa makabagong henerasyon gaya ng: (1) Pagkukumpara ng likhang-isip na bayani (Darna) at tunay na bayani, (2) Rizal na nasa mascot ng sikat na fastfood at may i-Pod pa, (3) Batang mag-aaral na sumisimbolo kay Rizal.

Iniatas naman sa akin ang tungkol sa Rizaliana collection sa National Library kung saan nakapanayam ang pinuno ng Rare Books and Manuscript Section na si Anne Rosette Crelencia.

Mga Katangian ng Telebisyon

Dahil hindi sapat ang oras at espasyo sa telebisyon, malimit kaming nagwawakas sa paanyayang magtungo ang manonood sa mismong lugar na aming pinuntahan para personal itong masilayan. Isa pa, ang mga naisulat ay bersyon lamang ng kuwento. Bukas ang mga teksto sa iba pang mga interpretasyon at pananaw.

Bukod sa mga naunang iskrip, maaari ring ihalimbawa ang live guesting. Isa rito si Jonathan Balsamo mula sa Heroes Square Heritage na malawak ang kaalaman sa kasaysayan. Routine namin ang paggawa ng mga gabay na tanong:

1. THE TIME WAS RIPE FOR A HERO TO BE BORN. GANYAN PO INILALARAWAN ANG ERA NG KAPANGANAKAN NI RIZAL. ILARAWAN N’YO SA AMIN ANG SITWASYON NOON, PARTIKULAR NA SA MGA BATANG NABIBILANG SA PRINCIPALIA O NAKAAANGAT SA BUHAY.

2. ANU-ANONG HALIMBAWA ANG MASASABING EXAGGERATED ACCOUNTS NG PAMBIHIRANG KAKAYAHAN NI RIZAL? ANO PO ANG MASASABI NINYO UKOL SA MGA PANINIWALANG MARAMING KAMALIAN SA ILANG BATAYANG AKLAT PARA SA RIZAL SUBJECT?

3.MAY KUWENTO RING NAHIRAPAN ANG NANAY NI RIZAL NA ISILANG SIYA DAHIL SA ‘DI PANGKARANIWANG LAKI NG ULO NITO! MAY MGA INTERESTING TRIVIA BA KAYONG MAIBABAHAGI NGAYON NA ‘DI KADALASANG NABABANGGIT TUNGKOL KAY RIZAL?

4. ANU-ANONG ASPEKTO NG PERSONALIDAD NI RIZAL ANG MAGANDANG PAMARISAN NG MGA PILIPINO SA MODERNONG PANAHON?

5. PAANO DAPAT ITURO ANG BUHAY NI RIZAL SA MGA ESTUDYANTE NGAYON?

6. SA AKADEMYA AT IBA PANG SEKTOR, MAY MGA NAGDI-DEBATE KUNG SIYA NGA ANG KARAPAT-DAPAT NA PAMBANSANG BAYANI. ANO PO ANG ITINUTUGON NINYO SA KANILA?

Marami pa sanang maaaring itanong, subalit ito’y telebisyon. Kadalasan, walo hanggang sampung minuto sa ere ang inilalaan sa bawat panauhin. Naibigan ko ang mga sagot ni Balsamo. Wala raw siyang tutol na si Rizal ang pambansang bayani dahil nariyan ang kanyang mga likha at madaling ituro sa kabataan. Subalit “sa isang tunay na mag-aaral ng kasaysayan, hindi lang ang mga bayaning may pangalan ang iyong pagtutuunan.” Hindi ko maunawaan subalit hindi ito naibigan ng prodyuser.

Bukod dito, isa ring limitasyon ang ‘di-perpektong koordinasyon. Noong Hunyo 20, mayroon daw akong dagdag na panauhin sa line-up. Sa pamamagitan ng SMS, sinabing may mga walong taong gulang na batang bibigyan ng scholarship dahil sa husay sa wika. Iyon pala, mula sa Komisyon sa Wikang Filipino ang kapapanayamin ukol sa “Search for Rizal Kids.” Kikilalanin ang mga batang walong taong gulang at kapareho ng kaarawan ni Rizal. Subalit walang scholarship at maghahanap pa sila ng isponsor para sa mga materyales na ipamimigay.

Walang sisihan. Lahat naman ay mabilisan. Tulong-tulong na lang. Sa iisang coordinator para sa limang araw ng The Morning Show, at sa on-the-spot briefing ng mga hosts, pagkakamali ay ‘di maiwasan. At huwag sasama ang loob kung ika’y pagsasabihan.

Ang PTV-4 Bilang Mundong Ginagalawan

Pagpasok sa lobby ng PTV, bubungad ang tarpaulin ng “Rizal @ 150: Haligi ng Bayan.” Sa sinumang bisita, lingid ang kabalintunaan: Mismong ang mga tao rito ay naghihintay ng bayaning magsasalba sa network.

relationship.” Buwan-buwan, gumagawa kami ng “accomplishment report” bago sumahod. (Ngunit hindi rin sa oras sasahod dahil sa kakapusan ng pondo. Kadalasan, labinglimang araw itong nahuhuli.)

Ang pinakamataas at pinakamalaking monumento raw ni Pepe sa Calamba ay may sementong hagdan na may labinlimang hakbang. Bawat isa, kumakatawan sa isang dekada. Ilang hakbang kaya ang aming kailangan tungo sa pagbabago?

Pagwawakas

Tours, art exhibits, lectures at mga pagtatanghal… siksik liglig ang nalinyang mga aktibidad para sa ika-isandaan at limampung kaarawan ni Dr. Jose Rizal. Hindi lang ito ipinagdiwang noong Hunyo 19 kung hindi magtutuloy-tuloy sa buong taon.

Mula June 17 hanggang 19, sa Rizal Park Open-Air auditorium, nagpalabas ng dokumentaryong “Lolo Jose, The Family Carries On” at mga pelikulang “Rizal sa Dapitan”, “Jose Rizal”, at “Sisa”. Nagdaos ng commemorative program sa Rizal National Monument sa Rizal Park pati na sa Rizal Shrine sa mga siyudad ng Calamba at Dapitan. Ang mga dumayo sa Fort Santiago, Intramuros, nagsaya sa musika, sining, at fireworks habang ginugunita ang buhay ni Rizal.

Inaasahan ng National Historical Commission of the Philippines na aktibong lalahok ang kabataan

1 comment:

summerhathway said...

This post interesting one and useful to read it.